Pareho nga ba ang alak at pag-ibig?

Madalas kapag sawi tayo sa pag-ibig alak ang lagi nating takbuhan. Oo meron kang mga kaibigan at pamilyang nandiyan para sa’yo, pero iba pa rin ang binibigay ng alak. Nililimot tayo nito sa maraming sakit na dulot ng pag-ibig, pansamantala nitong binubura ang mga mapapait na alaala at masasakit na sandali. Pinapalitan ng manhid at panandaliang kasiyahan.

Pero minsan, may nakapagsabi sa akin na ang alak para daw pag-ibig.

Inaalis nito ang kaisipan natin sa realidad. Pinapakita kung gaano kasarap ang mabuhay sa mundo, nilalasing tayo sa pagmamahal ngunit kinabukasan abot langit na sakit at hangover ang dulot sa atin. Marami pang bagay ang pagkakapero ng pag-ibig gaya ng; ang alak mas nangingibabaw ang pait sa tamis ngunit iniinom pa rin natin, ganun din sa pag-ibig.

Subalit ang alak kapag naisuka mo na nakakagaan na sa pakiramdam, mahihimasmasan ka na. Sa pag-ibig hindi. Ubusin mo man lahat ng luha, hinding hindi ka mahihimasmasan, hinding hindi mawawala agad ang sakit. Matagal bago mawala ang hangover mo sa pag-ibig.

Kaya sa nagsabi sa akin na pareho lang ang alak at pag ibig, ang masasabi ko lang. ” Mas gugustuhin ko pang malasing sa inimbak na alak kaysa sa inimbak na sakit dulot ng pag-ibig.”

Advertisements